Friday , March 29 2024

Iringan ng LTFRB, MMDA ayusin (PNoy inutusan si Almendras)

080614 pnoy almendras LTFRB MMDA

INATASAN ni Pangulong Benigno Aquino III si Cabinet Secretary Rene Almendras na plantsahin ang hindi pagkakaunawaan ng mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metro Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa mabagal na daloy ng mga sasakyan sa Kalakhang Maynila.

Sinabi ni Communications Secretary Hermino Coloma Jr., komplikado ang isyu dahil parehong may katwiran ang LTFRB na ayusin ang daloy ng mga sasakyang pampubliko at habang ang MMDA ay upang maibsan ang pagsikip ng kalsada kaya papasok na sa eksena si Almendras para makabuo ng katanggap-tanggap na solusyon sa iringan ng magkabilang panig.

“Magkakaroon ng pagpupulong sa loob ng linggong ito na ang mangunguna ay Cabinet secretary para kunin ang input ng iba’t ibang mga ahensiya ng pamahalaan at humanap ng common ground na pwedeng pagbatayan ng isang katanggap-tanggap na course of action,” ani Coloma.

Iginiit ni Coloma, hindi na kailangan ng LTFRB ang basbas ng Palasyo nang ipatupad ang “no apprehenshion policy” sa truck at bus dahil ito’y isinagawa ng ahensya nang naaayon sa kanilang pag-unawa sa kanilang mandato sa batas.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Notoryus na wanted holdaper sa NCR, todas sa enkwentro sa Batangas!

Notoryus na wanted holdaper sa NCR, todas sa enkwentro sa Batangas!

NASAWI ang isang lalaki na tinaguriang kilabot na holdaper at akyat bahay na kabilang sa …

Bernard Kaibigan Palawan

Pamilyang Pinoy protektado sa Palawan ProtekTODO

BATAY sa datos ng Philippine Insurance Commission, nananatiling mababa sa 1.75 porsiyento ang bilang ng …

Las Piñas Mass Wedding Kasalang Bayan

Sa ika-27 anibersaryo ng Las Piñas
102 COUPLES SABAY-SABAY NA IKINASAL

SA PAGDIRIWANG ng Buwan ng Kababaihan at ika-27 anibersaryo ng pagkakatatag bilang lungsod ang Las …

Buhain Richard Bachmann

Buhain, umayuda sa HB Bills para sa PH Sports

Pinangunahan ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang pagtalakay at pagsuri sa mga isinusulong …

Pinoy wreslers Olympics

Pinoy wreslers, kayang umabot sa Olympics

KUMPIYANSA si Wrestling of the Philippines (WAP) president Alvin Aguilar na ang mga repormang ipinatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *