Saturday , April 20 2024

Janella Salvador, sobrang nagpapasalamat sa fans!

080514 Janella Salvadora
ni Nonie V. Nicasio

MALAKI ang naitulong sa career ni Janella Salvador ang hit TV series nilang Be Careful With My Heart ng ABS CBN. Dahil dito’y kilalang-kilala na ngayon si Janella. Aminado nga siyang Nikki o Niknik ang tawag sa kanya ng marami. Ito ang karakter niya sa naturang TV series. “It has changed my life in so many ways. I met so many people and ngayon and sobrang happy po ako sa nangyayari sa show namin.

“That’s where it all started. If not for BCWMH, siguro I wouldn’t be this blessed. Minsan nga kapag lumalabas ako, Nikki, Ate Nikki or Niknik ang tawag sa akin ng mga tao e,” nakatawang saad ni Janella. Sobrang nagpapasalamat din siya sa kanilang fans.” Super sweet ng mga MarNella! Super fans sila! La-gi nila kaming pinupunta-han kahit malayo ‘yung event, tapos they visit us often sa taping. Naka-katuwa kasi ‘yung iba nagwo-work at nag-i-school, tapos they still make time talaga for us.” Hanggang December pa ba ang BCWMH? “I heard it’s extended nga to around that time of the year, pero wala pa pong definite ta-laga,” wika pa niya. Samantala, bukod sa TV at commercials ay malapit na rin mapanood si Janella sa movies. Kamakailan lang ay pumirma siya ng two year contract sa Star Ci-nema para sumabak na rin sa paggawa ng pelikula. Nakatakda rin siyang maging isa sa interpreter sa forthcoming Himig Handog P-Pop Long Songs para ipakita naman ang kanyang talento sa musika.

About hataw tabloid

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *