Thursday , October 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Washington balak ipasa sa Rain or Shine

Washington balak ipasa sa Rain or Shine

MAY negosasyon ngayon ang Rain or Shine at Globalport para kunin ng Elasto Painters ang serbisyo ni Jay Washington.

Isang source ang nagsabing hindi magkasundo sina Washington at Alex Cabagnot mula pa noong huling Governors Cup kaya may plano ang Batang Pier na itapon si Washington sa Elasto Painters na dati niyang koponan noong naglalaro pa siya sa PBL.

READ MORE:  Heat sinuki ng Nets

Nasa Miami ngayon si Washington para samahan ang Gilas Pilipinas sa training camp nito para sa FIBA World Cup sa Espanya at Asian Games sa Korea.

READ MORE:  Kazakh rider lumalapit sa titulo

“Meron nga daw ganoon (na negotiation), pero I leave it up to the management and the coaching staff,” wika ng team owner ng ROS na si Raymond Yu.

READ MORE:  McGee maglalaro sa Mavs

Ayon din sa source, depende sa mga manlalarong pipiliin ng Painters sa PBA Rookie Draft sa Agosto 24 kung itutuloy pa nila ang negosasyon para makuha si Washington.             (James Ty III)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved