Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Perpetual vs JRU

Perpetual vs JRU

PAGPAPANATILING malinis sa kanilang karta at pagkapit sa ikalawang puwesto ang ambisyon ng Perpetual Help Altas sa sagupaan nila ng Jose Rizal Heavy Bombers sa 90th National Colegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament mamayang 2 pm sa The Arena sa San Juan.

Magsusukatan naman ng lakas ang San Sebastian Stags at Arellano University Chiefs sa ganap na 4 pm.

READ MORE:  Ayawin na si Marquez?

Ang Altas ni coach Aric del Rosario ay may 3-0 karta at nasa likod ng nangungunang San Beda Red Lions (5-0).

Nagwagi ang Perpetual Help kontra Mapua Tech (91-57), San Sebastian (82-79) at Emilio Aguinaldo College (73-65).

Ang Heavy Bombers ay may 3-2 record at galing sa 84-80 overtime na pagkatalo sa Lyceum Pirates.

READ MORE:  Scorpions, swak na sa playoffs

Tampok na match-up sa larong ito ang sagupaan ng mga main men na sina Earl Scottie Thompson ng Altas at Philip Paniamogan ng Heavy Bombers.

Kapwa may 3-1 karta naman ang Stags ni coach Topex Robinson at Chiefs ni coach Jerry Codinera. Matapos na matalo sa Altas ay nakabawi ang Stags kontra St. Benilde, 74-72. Galing din ang Chiefs sa 68-63 tagumpay kontra Mapua Cardinals matapos silang madiskaril ng Red Lions.

READ MORE:  RR Garcia nagpalista na sa PBA draft (Ray Parks umatras)

Ang Stags ay pangungunahan nina CJ Reyes, Jamil Ortuoste at Jovit dela Cruz. Ang Chiefs ay pamumunuan naman nina John Pinto, Levi Hernandez at Prince Caperal.

(SABRINA PASCUA)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved