Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi, sobrang kinikilala at Inirerespeto ngayon

ni Ed de Leon

HINDI masasabing dahil lamang sa kaibigan niya at sinasabi niyang idol niya si Vilma Santos kaya ipinagtanggol siya ni Aiai delas Alas laban sa mga basher. Isang punto nga iyong mabuting established sa isip ng tao na magkaibigan sila ni Ate Vi dahil may ambisyon siyang tumakbong mayor sa Cuenca, at alam naman niya ang impluwensiya at batak ni Ate Vi sa mga Batangueno.

Bukod doon, si Aiai kasi ay naging biktima na rin niyang mga basher na iyan sa internet. Ang masama riyan sa mga basher, wala ang tunay nilang pangalan. Gumagamit sila ng alyas o kaya ang nakalagay ay “anonymous”. Minsan kakilala mo rin iyang mga basher mo, nagpapanggap lamang para hindi mo malaman na sinisiraan ka rin nila. Sa kaso naman ng gobernadora, hindi na niya pinapansin iyan. May mga sira ang tuktok pa ngang gumawa ng fake account na nakalagay sa pangalan niya eh, pero sinisiraan siya mismo roon sa account. Hindi dahil sa politika iyan kundi dahil sa ilang taong hindi pa rin matanggap na mas matindi talaga ang tagumpay ni Ate Vi kaysa idolo nila.

Tingnan naman ninyo kung paano kinikilala at inirerespeto ng mga tao si Ate Vi ngayon. At take note, siya na ang tumatanggi sa mga pelikula. Hindi iyong gawa ng gawa kahit na maliit ang bayad dahil pantawid gutom din iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …