Thursday , April 25 2024

KC, pinatutsadahan si Piolo (Sana raw ay si Mark na lang imbes na si Christian)

071814 KC piolo

ni Alex Brosas

NAG-ISNABAN daw sina KC Concepcion at Piolo Pascual sa nakaraang FAMAS Awards.

Well, hindi ‘yan ang issue. Expected na namin at ng lahat ‘yan. Siyempre, dating magdyowa, hindi naging maganda ang closure at may chismis na hindi kagandahan ang sanhi ng paghihiwalay, mae-expect mo ba silang magbeso-beso kapag nagkita sa isang event? Siyempre hindi, ‘di ba?

Ang chika, itong hindi-pa-rin-maka-move-on na si KC ay nagpatutsada raw. Siyempre, not within earshot ni Papa P.

Nag-one-liner daw ang hitad na si KC nang mapanood niya ang spot number ni Christian Bautistabago igawad kay Piolo ang FPJ Memorial Achievement Award. Kumakanta kasi si Christian habang ipina-flash sa giant screen ang achievements ni Papa P.

Bigla yatang nawala sa kanyang wisyo si KC at nagdayalog daw ng ganito: ”Sana si Mark Bautista ang pinakanta sa segment na ‘yan, hindi si Christian Bautista. It could have been more meaningful to Piolo.”

Naku, true ba na sinabi mo ito KC?

Obviously, hurt pa rin ang beat ng mega-daughter kung nasabi man niya iyon. Hindi pa rin niya makalimutan ang bangungot ng kanilang paghihiwalay.

Move on, move on na rin KC kapag may time. Lalo kang nagmumukhang desperada kapag ganyan palagi ang attitude mo.

When love is gone, sana mawala na rin sa ‘yo ang galit. After all, ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit ka pumatol kay Piolo.

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *