Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Gilas vs Singapore

Gilas vs Singapore

WUHAN, China – Kontra Chinese Taipei noong Sabado, nagpakita agad ng bagsik ang Gilas Pilinas nang kumana agad sila ng unang sampung puntos sa laro para palubohin ang kanilang kalamangan sa 16 puntos sa kaagahan ng 1st  quarter ng panimulang kampanya sa  5th FIBA Asia Cup.

Ngunit sandali lang nakabalik sa 2nd quarter ang Chinese Taipei para idikit ang iskor at lumamang pa ng anim na puntos sa kalagitnaan ng 3rd quarter.

READ MORE:  NU PEP squad sulit ang paghihirap — Cristobal

“Almost 30 turnovers may not be the best way to go forward,” pahayag ni RP coach Chot Reyes.

“But I’m not complaining. This is the first game after a long time. Some guys are just coming off a long PBA season. And some of them are wearing this uniform for the first time. There’s bound to be some pressure,” dagdag  pa niya.

READ MORE:  Perpetual, Arellano nanguna sa NCAA Volleyball

“But I think we’ll come along alright.”

Pinangunahan ni Paul Dalistan (Paul Lee) ang 13-0 run sa pagsisimula ng 4thquarter para hatakin muli ang kalamangan double digits.  Umiskor ng 18 puntos ang tinaguriang Angas ng Tondo.

Ang Fiba Asia Cup ay isa sa tuntungang torneyo ni coach Reyes bilang preparasyon sa nalalapit na 2014 FIBA Basketball World Cup na lalarga sa Spain mula Aug 30-Sept 14.

READ MORE:  Goodbye San Beda Welcome NLEX

Tumulon din sa iskoring ng Gilas si Gary David na kumana ng 16 puntos.   Si Marcus Douthit ay nanguna naman sa rebounding at nag-ambag ng 16 puntos.

Sina LA Tenorio at Ranidel De Ocampo ay parehong may 11 puntos.

Binanderahan naman ni Hu Long-Mao ang Taipei nang pumukol siya ng 15 puntos.

Susunod na asignatura ng Gilas ang Singapore sa Lunes.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved