TITINDI pa ang hanging Habagat na maaaring magdulot ng panibagong mga pagbaha ngayong pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Florita na nasa kategorya bilang ganap na typhoon o malakas na bagyo.
Ayon kay PAGASA forecaster Glaiza Escullar, huli itong namataan sa layong 1,170 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 165 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 200 kilometro bawat oras.
Kumikilos ito sa direksyong pakanluran, hilagang kanluran sa bilis na 24 kilometro kada oras.
Bagama’t malabo itong direktang dumaan sa kalupaan ng bansa, hahatakin nito ang mga kaulapan hanggang sa West Philippine Sea.