Friday , April 26 2024

3 pang koponan nais pumasok sa PBA

KINOMPIRMA ng tserman ng PBA board of governors na si Ramon Segismundo ng Meralco na tatlo pang mga koponan ang nagpahayag ng interes na pumasok sa liga bilang mga expansion teams sa mga susunod na taon.

Hindi sinabi ni Segismundo ang tatlong nabanggit na kompanya ngunit nagbigay siya ng kaunting mga palatandaan.

Naunang nagkompirma ng pagnanais ang Hapee Toothpaste na pumasok sa PBA at ito’y kinompirma ng may-ari nitong si Cecilio Pedro.

“Not immediately, but when the time comes, we will announce it (PBA application). But the interest is always there,” wika ni Pedro sa panayam ngwww.spin.ph.

May balita na nais ding pumasok sa PBA ang Banco de Oro ng pamilya Sy at ang Phoenix Petroleum.

May 12 na koponan ang PBA sa susunod na season.

Parehong expansion ang Blackwater at Kia habang ang NLEX naman ay bumili sa prangkisa ng Air21.      (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *