Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Namumutiktik na putik sa Brgy. Tangos Navotas City (Attn: Mayor John Rey Tiangco)

Namumutiktik na putik sa Brgy. Tangos Navotas City (Attn: Mayor John Rey Tiangco)

00 Bulabugin JSY

MATAGAL nang inirereklamo ng mga residente sa Barangay Tangos, sa Lungsod ng Navotas ang hindi na maalis-alis o malinis-linis ang putik sa kanilang kalye sa mahabang panahon.

Kung hindi sila binabaha, putik naman ang namumutiktik sa mga kalye nito.

Nitong nakaraang tag-araw, nagsimula ang proyektong paghuhukay ng panibagong drainage sa mga kalyeng nakapaikot sa Tangos Elementary School at Navotas High School Annex.

Nilagyan ng contractor ng andamyong makipot na tinutulayan ng mga residenteng nagdaraan sa lugar. Pero ang siste, Walang makalabas-pasok na mga sasakyan kahit na de-padyak dahil lumiit na ang daan na isinasara pa ng mga barangay tanod kung gabi.

READ MORE:  Pagkapikon ni Sen. Koko Pimentel kay Janet Lim Napoles sa media lumatay

Reklamo ng mga residente sa atin, matagal nang hindi inaaksyonan ang problemang ito maging ng kanilang barangay captain na si MANDING ROQUE.

Proyekto raw ng City Hall ang pagbubungkal ng mga kalye sa Barangay nila at wala raw siyang pakialam dito.

READ MORE:  ‘Move on’ na walang sorry puwede ba ‘yun?

Inabot na ng bagyo at tag-ulan ang proyektong kaya apektado lahat ng mga mag-aaral sa Tangos Elementary School at Navotas High School dahil hindi sila makaiiwas sa maputik na daan. Ang delikado pa rito, makipot ang andamyong inilagay ng kamoteng contractor!

Bakit daw ‘yung reblocking sa EDSA, isang linggo lang tapos na, komento pa ng mga taga-Barangay Tangos.

Nanawagan sila kay Navotas Mayor JOHN REY TIANGCO na resolbahin ang problema nila sa kanilang lugar.

READ MORE:  Bulabugin ipinake-casing ng isang masama ‘este’ MASA official?

Ano ba ang ginagawa ng contractor nito at hindi matapos-tapos ang drainage project?

Tunay naman na kaawa-awa ang mga estudyante na dumaraan sa mga kalyeng pinagbubungkal ng nasabing contractor!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved