Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / MPD PS-11 moro-morong kampanya laban sa sugal!

MPD PS-11 moro-morong kampanya laban sa sugal!

00 Bulabugin JSY

Hindi natin malaman kung bulag ba o nagbubulag-bulagan ang mga tulis ‘este’ pulis ng MPD PS-11 sa ilalim ni Kernel RAYMOND LIGUDEN laban sa ilegal na sugal sa kanyang area of responsibility (AOR) dahil ultimong sa bangketa ay nag-o-operate ang horseracing bookies lalo d’yan sa C.M. Recto at Elcano streets Binondo, Maynila.

Ganoon din sa antigong bangketa bookies sa paligid ng nasunog na Divisoria mall na mismong mga Brgy. tanghod ‘este’ Tanod ang naka-poste at bantay.

READ MORE:  Imbudo ng traffic sa Sucat road, dahil sa inutil na bagong traffic lights!

Kompleto sa gamit, may lona, may TV, at notebook na listahan ng kobransa ang bangketa bookies na ilang metro lang ang layo sa Juan Luna PCP ni Major Cauatan ‘este’ Cabauatan.

Talamak at lantaran rin ang kobransa ng EZ-2 jueteng at lotteng  sa Bgy 124 Zone 10 Balut, Tondo, Manila at sa night market ng Divisoria.

READ MORE:  Ilan pa ang katulad ni CPL. Ryan Santos?

MPD DD General Rolando Asuncion sir, sa kabila ng mahigpit n’yong kampanya laban sa 1602 ay may ilan pa rin pulis ang sumasabotahe sa programa n’yo.

May info pang nakarating sa atin na may ‘cashunduan’ na ang 1602 operator at mga bagman ng bawa’t MPD station at PCP na sila na ang magbibigay ng ‘huli-me’ para ipakitang may accomplishment sila.

READ MORE:  Jeane Napoles nalusutan sina De Lima At Mison (Setyembre 28 (2014) pa pala nasa bansa!)

Boom Panes!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved