Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, nagpapatulong kay Ate vi sa pag-pasok sa politika

ni Alex Datu

TULUYAN na kaya ang pagkakalayo ng loob ng mag-BFF na sina Kris Aquino at Ai Ai delas Alas? Base sa huling balita, si Gob. Vilma Santos ng Batangas ang hiningan nito ng tulong sa pagpasok sa politika.

Kung hindi kami nagkakamali ay si Tetay ang nagpursige sa komedyana na kumuha ng kurso sa UP ng Public Administration bilang paghahanda sa pagiging public servant.

Halatang masama ang loob ni Ai-Ai sa TV host at kung hindi kami nagkakamali ay nag-ugat ito nang hindi man lang nagparamdam sa kanya ang huli nang pumanaw ang kanyang ina. Nabalitaan na lang natin na naging close ang komedyana sa dating asawa ng TV host na si James Yap na nang mga sandaling ‘yun ay war ang dating magdyowa at ngayon, kay Ate Vi ito humuhingi ng tulong sa pagpasok sa politika.

Ayon sa balita, muling pinuntahan ng komedyana si Ate Vi para sabihing handa na siyang pumalaot sa politika at handa na rin siyang isakripisyo ang kita na tiyak maliit lang ‘di hamak ang kikitain kompara sa milyones na TF sa showbiz. Nasa puso na raw nito ang pagtulong sa kanyang mga nasasakupan. Nagpa-register na si Ai Ai sa Calatagan sa pagtakbo ngayong halalan.

“Pinuntahan niya ako noong Valentine’s Day. ‘Ate Vi, ready na ako’. Galing na sa puso ko eh. Nag-register na siya sa Calatagan! Ano’t anuman, nandito lang naman ako para suportahan siya in my own little way,” ito ang pahayag ng gobernadora ng Batangas sa isang interbyu.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …