Saturday , April 20 2024

80-anyos lola nagbigti sa problema?

NAGA CITY – Wala nang buhay ang isang lola nang madatnan ng kanyang mga kapamilya sa Zone 7, San Rafael Cararayan Naga City kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Natividad Bardojo, 80-anyos ng nasabing lugar.

Ayon kay Jennifer Bardojo, 20, apo ng nasabing lola, nadatnan niyang nakabigti ang biktima sa loob ng kwarto.

Sinabi ni PO1 Gilson Bañaria, isang nylon rope ang ginamit na panali ng biktima.

Samantala, kinompirma ng SOCO team ang natagpuan na suicide note, sinasabing isinulat ng biktima bago nagpakamatay.

Base sa imbestigasyon, personal na alitan sa pamilya ang nagtulak sa biktima upang kitilin ang kanyang buhay.

Kaugnay nito, iimbestigahan pa kung sulat kamay nga ng biktima ang nasabing suicide note. (JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *