Saturday , April 20 2024

Negosyante ginilitan sinunog sa sasakyan

DAVAO CITY – Dinukot at ginilitan ang isang kilalang negosyante sa Davao City at sinunog ang bangkay sa loob ng sasakyan kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Ramon Sanny Garcia, may-ari ng Nanay Bebeng Restaurant.

Ang biktima ay dinukot ng hindi nakikilalang suspek at sapilitang tinangay papuntang Sitio Bolton, Baluyan, Malalag, Davao del Sur.

Pagkaraan ay natagpuan ang bangkay ng biktima sa may bangin sa nasabing lugar.

Inilarawan ng mga nakakita na may tali ang mga kamay, ibinalot ang mukha gamit ang packaging tape at ginilitan ang leeg, at sinunog ang sasakyan kasama ang biktima.

Sinasabing “extortion” ang tinitingnang dahilan sa nasabing pagpatay kay Garcia.

Samantala, nasa Collada Funeral Homes sa Sulop, Davao del Sur ang bangkay ng biktima.

About hataw tabloid

Check Also

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *