Thursday , April 25 2024

Zanjoe, Kasal kay Bea naiilang pag-usapan

ni Reggee Bonoan

Samatala, natanong si Zanjoe kung kailan siya magpo-propose kay Bea Alonzo dahil expected na naman na sila ang magkakatuluyan dahil perfect combination sila.

Say ng aktor, ”hindi naman ‘yun ang pinaghahandaan ko. Hindi ‘yung proposal or kasal, hindi ko sinasabing hindi importante, ha.

“Importante ‘yun, minsan lang mangyayari ‘yun. Pero ngayon, ang pinaplano ko, pinaghahandaan ko sa utak ko, ‘yung after.

“Kumbaga, ‘yung paglagay sa tahimik at paano bibigyan ng magandang kinabukasan‘yung bubuuin mong pamilya.

“’Yung proposal, kasal, madali na ‘yan kapag malapit na. Mas maganda kung bigla mo siyang maisip kung paano,” pangangatwiran ni Z.

Ibang kasal daw ang napag-uusapan nila, ”mas pinag-uusapan namin siguro kapag mayroon ikinakasal, mga kaibigan na ang ganda ng kasal nila.

“Sa amin, parang nagkakailangan pa kung paano paplanuhin.

“Parang malayo pa naman, eh, parang nakakailang pang pag-usapan.

“Alangan naman na ‘O, paano kapag ikinasal tayo, anong gusto mo?’ Parang ganoon.”

Bea, panghuling-GF na raw

Sa kabilang banda, walang pressure sa parte ng aktor kung kailan siya magtatapat,”hindi ko kayang bigyan ng saktong panahon. Siguro kapag dumating talaga ang time na malay mo, bigla kong maisip, bigla akong nagkaroon ng lakas na loob na tanungin o mag-ask ng permiso sa pamilya niya. Siguro kapag handa na akong tumanggap ng sagot ng pamilya niya. Hindi ko ‘yun sisiguraduhin, dapat, oo na.”

Wish ng aktor na si Bea na ang huling babae sa buhay niya, ”sana, sana.”

Sabay dagdag, ”parang noong isang beses, may nagtanong sa akin. ‘Pang-ilang girlfriend mo na si Bea?’ sabi sa akin ng mga kaibigan ko, sabi ko, ‘panghuli’.

About Reggee Bonoan

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *