ANG Abhaya Mudra ay tinagurian bilang “Energy of No Fear”.
Ito ay popular Buddha hand gesture na matatagpuan sa maraming home décor items na may imahe ng Buddha, ito man ay sculptures, salarawan o candleholders.
Ang Abhaya ay isinalin mula sa Sanskrit bilang “fearless”. Ang Abhaya Mudra ay Buddha na nakabukas ang palad nang nakataas na kamay, sa chest level o medyo mataas pa. Kung susuriin ang Buddha hand gesture, o mudra, mararamdaman ang enerhiya ng proteksyon, kapayapaan, at sense ng strong, deep inner security.
Ito ay powerful feng shui décor na maidaragdag sa tahanan.
Ang best feng shui placement para sa Abhaya Mudra Buddha ay sa main entrance ng inyong tahanan o sa living room.
Lady Choi