Thursday , April 18 2024

20 drums ng smuggled fuel nasabat sa Palawan

NASABAT ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 20 drums ng gasolina at 30 litro ng diesel na pinaniniwalaang ipinuslit mula sa Malaysia.

Ayon sa coast guard, kanilang nasabat ang nasabing mga produktong petrolyo sa bayan ng Bataraza kasunod nang ibinigay na tip.

Katuwang ang pwersa ng Bantay Dagat at Philippine Navy, naabutan pa ng mga awtoridad habang ibinababa mula sa isang bangka ang naipuslit na gasolina at diesel.

Nabigo ang may-ari ng bangka na si Amar Abduhalim na magpakita ng kaukulang dokumento para sa nasabing kargamento.

Nakatakdang i-turnover ng coast guard sa Bureau of Customs ang smuggled fuel.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *