Saturday , April 20 2024

Butch A. at Procy A. bukod na pinagpala sa Gabinete ni Noynoy A.

00 Bulabugin JSY

KUNG magkaklase sina secretaries Butch Abad, Procy Alcala at President Noynoy Aquino, malamang magkakatabi sila ng upuan.

Sa letter A kasi nagsisimula ang mga apelyido nila.

Ngayon, hindi natin ‘ALAM’ kung dahil pawang sa letter A nagsisimula ang kanilang mga apelyido kung kaya’t ‘NAMUMUKOD TANGI’ at talaga namang ‘BUKOD NA PINAGPALA’ sina Butch A at Procy A sa Gabinete ni PNoy A.

O dahil mga KKK din sila?

Mula nang magsimula ang isyu ng P10-bilyon pork barrel scam, laging nasasabit ang pangalan nina Butch A at Procy A, pero hanggang ngayon ay naririyan pa rin sila.

Hindi natin alam kung sino ang nagtetengang kawali, si PNoy A o sina Butch A at Procy A.?

O talagang may pinaghihiraman lang din sila ng ‘kapal ng mukha?’

Si LRT general manager Al Vitangcol ay hindi nag-resign. Siya ay sinibak ng Pangulo dahil sa pagkakasangkot sa tangkang extortion sa Czech company na sumama sa bidding para makakuha ng kontrata sa pagsu-supply ng bagong bagon para sa MRT at LRT.

Ang pinaka-grabe ay ang pagkakuha ng kontrata sa MRT ng isa niyang kamaganak!

Hindi kaya magagawa ni PNoy A kina Butch A at Procy A ang agarang pagsibak gaya kay Vitangcol?!

‘E kung hanggang ngayon ay naririyan pa rin ang dalawang ‘yan, huwag na tayong magtaka kung bakit unti-unti naghuhulas ang bilib ng sambayanan sa kampanyang anti-korupsiyon ni PNoy A.

O ‘di ba?

Paano maipatutupad ang DAANG MATUWID, kung balu-baluktot ang landas ng mga Gabinete ni PNoy A?!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *