Thursday , January 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Negosyante hinoldap binoga kritikal (P.2-M natangay)

Negosyante hinoldap binoga kritikal (P.2-M natangay)

KRITIKAL ang kalagayan ng isang negosynate sa Mary Johnston Hospital matapos holdapin at barilin ng apat na holdaper sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktimang si Francis Lato y Lao, may asawa, ng 558 Lakandula St., Tondo at natangay ang kanyang dalang P200,000.

READ MORE:  Ugnayan kontra krimen pinaigting ng MPD

Sa inisyal na ulat sakay ng motorsiklong kulay itim na walang plaka ang dalawa sa mga suspek na mabilis nakatakas sa masikip na Ilaya St., tapat ng Sto. Niño church at ilang metro ang ang layo sa MPD Morga police station (PS2).

READ MORE:  Power crisis kukunin sa Malampaya (Bilyong piso solusyon)

Sa ulat kay PS2 commander Supt. Jackson Tuliao ng dakong 1:20 p.m. naglalakad ang biktima sa lugar papuntang Metro Bank bitbit ang P200,000, nakalagay sa itim na backpack,   nang akbayan ng isang lalaki, saka binaril nang dalawang beses.

READ MORE:  6 Pinoy sugatan sa Barcelona attack

Nang bumagsak sa kalsada ang biktima, dito kinuha ang itim na bag at mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.

Agad isinugod sa ospital ng mga barangay tanod ng Barangay 1, Zone 3 ang biktima.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top