Wednesday , April 24 2024

Kris at Bistek, ‘di raw naging mag-on

ni  Ed de Leon

WALANG inilagay na pangalan si Kris Aquino sa kanyang ginawang pagbati ng happy birthday, pero maliwanag naman sa lahat halos na ang kanyang binabati ay si Mayor Bistek na nag-birthday noon.

Inamin din ni Derek Ramsay na nagkuwento sa kanya si Kris tungkol sa love affairs niyon at pinayuhan niya iyon na maging maingat at piliin naman kung sino ang makakarelasyon niyon.

Inamin na rin ni Kris na hindi sila naging mag-on ni Mayor Bistek kundi naging mabuti lamang silang magkaibigan. Pero bakit nga ba gumawa pa siya kasi ng statement sa TV tungkol sa kanilang relasyon, na naging dahilan naman para pumalag ang common law wife ni Mayor Bistek ng ilang taon na si Tates Gana?

Ang totoo matagal na rin namang hiwalay sina Mayor Bistek at si Tates, pero siguro umaasa pa nga ang babae na magkakabalikan sila.

Sino ngayon ang mas may problema? Mukhang mas magulo iyang nangyayaring iyan. Siguro nga kung nagkasundo na sina Mayor Bistek at Kris na tapusin na, o manahimik na lang sa kanilang relasyon, dapat talaga manahimik na lang sila.

About Ed de Leon

Check Also

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

James Reid

Paghuhubad ni James inaabangan

MATABILni John Fontanilla KINAGILIWAN ng publiko ang naging pahayag ni James Reid na dahil sa sobrang init …

Andres Muhlach Family

Andres itinangging mama’s boy, super love lang si Charlene 

MATABILni John Fontanilla MARIING pinabulaanan ng guwapong anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach na siAndres na hindi siya mama’s …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *