Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Trenderas, na ipapalit sa Confessions… ‘di pa sure (Mahirap daw kasing ibenta…)

Trenderas, na ipapalit sa Confessions… ‘di pa sure (Mahirap daw kasing ibenta…)

ni  Reggee Bonoan

MALAPIT nang magtapos ang Confessions of A Torpe at ang ipapalit na musical seryeng Trenderas na pagbibidahan nina Lara Maigue, Isabelle de Leon, at Katrina Velarde ay malabo pa raw ipalabas, sitsit sa amin ng taga-TV5.

Tsika sa amin, “hirap ang marketing na ibenta ang ‘Trenderas’ kaya baka hindi pa maiere.”

READ MORE:  Galing ni Vice, masusubok (‘Pag napaamin si Richard kung may anak na kay Sarah )

Bakit hirap ibenta, balik-tanong namin sa taga-Singko, “ewan, basta sabi ng taga-Marketing, hirap silang ibenta.”

Dahil hindi kilala ang mga bida ay susuportahan sila nina Ms Nora Aunor, Tina Paner, Sheryl Cruz, Dingdong Avanzado, K Brosas, Cacai Bautista, Kitkat, Edward Mendez, Gerard Sison, Francine Prieto, at Carl Guevarra.

READ MORE:  Sandro, tatapusin muna ang masters’ degree bago mag-artista o mag-politiko

Kaya pala gustong i-extend ang Confessions of A Torpe dahil hindi pa plantsado ang programang ipapalit dito, eh, hindi na kayang i-extend daw ang komedi-serye nina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, at Alice Dixson dahil magbabakasyon sila sa ibang bansa.

Going back to Trenderas, istorya pala ito ng tatlong tindera sa palengke na mahihilig kumanta at nakunan ng bidyo na kumalat sa social media na nag-trending kaya pala naging trenderas.

READ MORE:  Pokwang, ‘di maiwasang pagnasaan si Zanjoe

Patok ba musical-serye sa Pilipinas Ateng Maricris? (‘Yun ang isang dahilan kaya mahirap ibenta, ‘di gaanong kinakagat ang musical-serye sa ‘Pinas—ED)

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved