ni Ed de Leon
MUKHA ngang hindi magtatagal at lalabas ang katotohanang wala na sa ayos ang isang TV network.
Kasi hindi na raw makabayad iyon ng utang sa mga supplier nila. Basta raw ang isang supplier ay tumigil dahil nga sa hindi sila nakababayad, hahanap na lang sila ng bagong supplier.
Isang insider din naman ang nagkuwento sa amin niyan. At inaamin niya, milyon na rin ang utang nila sa mga catering services na kinukunan nila ng pagkain para sa kanilang mga tapings.