PINAYUHAN ni Senadora Grace Poe si Justice Secretary Leila de Lima na gawing installment ang paglalabas ng lista-han ng mga sangkot sa pork barrel scam.
Ipinaliwanag ni Poe na kung nangangamba si de Lima na madamay ang mga walang kasalanan ay unang ilabas ang pa-ngalan ng nga kompirmadong dawit sa scam.
Nababahala si Poe na habang tumatagal ang paglabas ng listahan ay lumalakas ang haka-haka ng taong bayan na may pinoprotektahan si De Lima. Nagtataka rin si Poe kung bakit kailangan beripikahin ni de Lima ang mga pangalan sa listahan gayong hindi niya ito trabaho. (CYNTHIA MARTIN)