Wednesday , April 24 2024

Bati na sina Arum at De La Hoya

KITANG-KITA na natin ang karakter ni Floyd Mayweather Jr.

Asahan mo kapag kapag pinupuri niya sa mga press release ang kanyang makakalaban na boksingero—alam niyang mananalo siya sa laban.

Kailangan kasi niyang pabilibin ang mga fans na mahirap ang laban niya kaya iniaangat niya ang kalidad ng kalaban.   Sa ganoon nga namang paraan—tiyak na hindi siya mabobokya sa pay-per-view at sa gates kahit na nga medyo pipitsugin ang kanyang kaharap.

Pero kapag ayaw niyang makaharap ang isang boksingero dahil alam niyang may tulog siya—sisiraan niya nang sisiraan ang boksingerong iyon para pababain ang kalidad nito nang sa ganoon ay hindi halata na iniiwasan niyang makaharap kung sino mang boksingerong iyon.

Pansinin ninyo.

0o0

Ayoko na sanang talakayin pa sa ating kolum ang pinapangarap na laban sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.  dahil tingin natin ay next-to-impossible na matuloy iyon.

Pero nitong nakaraang linggo ay may nabanaagan tayong kaunting liwanag para sabihin natin na baka sakaling matuloy na iyon.

Kahapon kasi, laman ng balita sa ilang boxing website sa internet na nagkausap na sina Bob Arum ng Top Rank at Oscar De La Hoya ng The Golden Boy Promotions na nagresulta ng pagkakabati ng dating magkaaway na promosyon.

Ayon mismo kay Arum, “totally repaired” na ang dating alitan nila ni De La Hoya.

Well, nagkakaisa ang dalawang kilalang personalidad sa boksing na dapat na nilang itigil kung anumang away meron sila para sa kapakanan ng pagsulong ng larong boksing.

Magandang balita iyon para sa nagmamahal sa boksing.   Tingin natin, simula na iyon para magkasundo ang dalawang promosyon na pagharapin ang kani-kanilang boksingero para sa magagandang laban na hindi nangyayari sa mga nakaraang taon dahil nga sa alitan ng dalawang kompanya.

Alam naman natin na lumalaban si Mayweather sa ilalim ng promosyon ni De La Hoya at hinala natin na iyon ang isa sa pinaplano ng dalawang promosyon—na subukang ikasa ang tinatayang fight of the century sa pagitan nila ni Pacman.

Magandang development iyon.  Pero mukhang may dalawang kontrabida na lang sa realisasyon ng nasabing DREAM FIGHT—sina Richard Schaefer at mismong si Mayweather jr.

Si Schaefer ay CEO ng GBP at puwedeng brasuhin ni De La Hoya, pero si Mayweather –paano kukumbinsihin ang isang boksingero na ayaw lumaban kay Pacman?

Huwag na nating isipin kung paano  ang magiging istratehiya nina De La Hoya at Arum para matuloy ang nasabing laban.   Ang mahalaga—nakauna na silang hakbang para sa realisasyon ng nasabing laban.

Alex Cruz

 

About hataw tabloid

Check Also

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *