Saturday , April 20 2024

Ang Maynila ba ay lungsod ng ilegal na Video Karera at Bookies?

00 Bulabugin JSY

NAALALA ko noon nang ma-impeached si convicted plunderer Erap Estrada dahil sa pagtanggap ng pera mula sa illegal gambling (jueteng), isang tao niya ang nagsabi ng ganito: “Ayos na sana ang Erap administration, kaya lang hindi pang-presidente ang diskarte ni Erap, pang-mayor lang talaga!”

Ang ibig sabihin no’ng tao na ‘yun ni Erap, bilib siya sa nabuong gabinete ni Erap na kinabibilangan ng yumaong Horacio ‘Boy’ Morales,  isa sa pinakamagagaling na technocrats ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Si Boy Morales ang isa sa mga utak ng “City of Man,” ang centerpiece program ni Marcos na kinatatampukan ng mga proyektong impraestuktura, akademiko, agrikultura at industrialisasyon.

Pero ‘yun nga, dahil sa maling diskarte ni Erap ‘e nalaglag ang kanyang liderato, ganoon pa man, nanatiling tapat sa kanya ang grupo ni Boy Morales kahit wala na siya sa posisyon.

Ngayon, heto na naman, kahit mahigpit na ang utos ni Yorme Erap at MPD Director Rolando Asuncion na STOP 1602 sa Maynila ay marami pa rin ang mga nakalulusot na illegal na video karera at bookies lalo na sa Tondo 1, Maynila.

Hindi natin alam kung pinababayaan ng Manila Police District (MPD) PS-1 at mga PCP nito ang trabaho nila o kaya naman ‘e walang takot ang mga operator ng illegal video karera at bookies sa Maynila dahil may basbas kaya sila mula sa mga awtoridad?

Paano naman natin hindi maitatanong ito ‘e sa INFO na nakuha natin d’yan lang sa Tondo, Manila sa area of responsibility (AOR) ng Don Bosco PCP, sandamakmak ang video karera station at bookies pa rin.

Eto po pakibilang lang.

Una, sa Abad Santos Ext., sa kanto ng Guyabano St., isang video karera na nakapangalan sa isang alias YORMEM; sa susunod na kanto, isa pang video karera na nakapangalan kay alias TANOD OR-LI at sa tapat ay bookies pa rin; isa pa rin bookies sa gitna ng Guyabano at Cristobal; sa Plaza sa kanto ng Lemonada St., mayroon din bookies; sa susunod na  kanto naman ay video karera ni alias TOTOY GULAMAN; sa Dalanghita St., (sa plaza rin) may isa pang bookies naman ni alias TANOD SIONY at sa susunod na kanto ulit ay video karera ni alias that’s my TOMBOY BAN-GI; sa Quezon St., kanto ng Chesa ay may limang (5) video karera at tatlong (3) bookies; at sa Chesa St., pa rin patungong Lemonada St., ay may video karera sa pangalan ng isang alias DANIEL PALUSO.

O ayan, MPD Director, Gen. Rolando Asuncion, malinaw po ang mga TIP na ‘yan.

Kung gusto ninyo ng KROKIS ng mga lugar na ‘yan ‘e bibigyan ko po kayo ng kopya.

By the way, Gen. Asuncion sino ba ang opisyal ninyo d’yan na responsable sa AOR ng Don Bosco PCP?

Natutulog lang ba ‘yan pansitan o baka naman palamig-lamig na lang sa opisina niya at naghihintay ng mga ‘parating na bisita?’

Pakibusisi lang po, Gen. Asuncion!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *