Wednesday , April 24 2024

Ang Maynila ba ay lungsod ng ilegal na Video Karera at Bookies?

00 Bulabugin JSY

NAALALA ko noon nang ma-impeached si convicted plunderer Erap Estrada dahil sa pagtanggap ng pera mula sa illegal gambling (jueteng), isang tao niya ang nagsabi ng ganito: “Ayos na sana ang Erap administration, kaya lang hindi pang-presidente ang diskarte ni Erap, pang-mayor lang talaga!”

Ang ibig sabihin no’ng tao na ‘yun ni Erap, bilib siya sa nabuong gabinete ni Erap na kinabibilangan ng yumaong Horacio ‘Boy’ Morales,  isa sa pinakamagagaling na technocrats ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Si Boy Morales ang isa sa mga utak ng “City of Man,” ang centerpiece program ni Marcos na kinatatampukan ng mga proyektong impraestuktura, akademiko, agrikultura at industrialisasyon.

Pero ‘yun nga, dahil sa maling diskarte ni Erap ‘e nalaglag ang kanyang liderato, ganoon pa man, nanatiling tapat sa kanya ang grupo ni Boy Morales kahit wala na siya sa posisyon.

Ngayon, heto na naman, kahit mahigpit na ang utos ni Yorme Erap at MPD Director Rolando Asuncion na STOP 1602 sa Maynila ay marami pa rin ang mga nakalulusot na illegal na video karera at bookies lalo na sa Tondo 1, Maynila.

Hindi natin alam kung pinababayaan ng Manila Police District (MPD) PS-1 at mga PCP nito ang trabaho nila o kaya naman ‘e walang takot ang mga operator ng illegal video karera at bookies sa Maynila dahil may basbas kaya sila mula sa mga awtoridad?

Paano naman natin hindi maitatanong ito ‘e sa INFO na nakuha natin d’yan lang sa Tondo, Manila sa area of responsibility (AOR) ng Don Bosco PCP, sandamakmak ang video karera station at bookies pa rin.

Eto po pakibilang lang.

Una, sa Abad Santos Ext., sa kanto ng Guyabano St., isang video karera na nakapangalan sa isang alias YORMEM; sa susunod na kanto, isa pang video karera na nakapangalan kay alias TANOD OR-LI at sa tapat ay bookies pa rin; isa pa rin bookies sa gitna ng Guyabano at Cristobal; sa Plaza sa kanto ng Lemonada St., mayroon din bookies; sa susunod na  kanto naman ay video karera ni alias TOTOY GULAMAN; sa Dalanghita St., (sa plaza rin) may isa pang bookies naman ni alias TANOD SIONY at sa susunod na kanto ulit ay video karera ni alias that’s my TOMBOY BAN-GI; sa Quezon St., kanto ng Chesa ay may limang (5) video karera at tatlong (3) bookies; at sa Chesa St., pa rin patungong Lemonada St., ay may video karera sa pangalan ng isang alias DANIEL PALUSO.

O ayan, MPD Director, Gen. Rolando Asuncion, malinaw po ang mga TIP na ‘yan.

Kung gusto ninyo ng KROKIS ng mga lugar na ‘yan ‘e bibigyan ko po kayo ng kopya.

By the way, Gen. Asuncion sino ba ang opisyal ninyo d’yan na responsable sa AOR ng Don Bosco PCP?

Natutulog lang ba ‘yan pansitan o baka naman palamig-lamig na lang sa opisina niya at naghihintay ng mga ‘parating na bisita?’

Pakibusisi lang po, Gen. Asuncion!

RUMORMONGER IMMIGRATION INTELLIGENCE OFFICER

NATAWA naman tayo sa isang komentaryo na narinig natin sa ilang taga-Bureau of Immigration (BI) NAIA.

Mayroon daw isang Immigration intelligence officer na hindi naman pala intelligent at ang alam lang ‘e magtsismis at gumawa ng intriga sa kanyang mga kasamahan?!

Anak ng tungaw!!!

‘Yang intelligence officer daw na ‘yan ay kasalukuyang nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kapag kaharap umano si Immigration Commissioner Siegfrid Mison, ‘e talaga naman higop-sipsip at pasiklab si Intelligence officer.

Pero kapag  nakatalikod na si Commissioner Mison ‘e kung ano-ano nang paninira ang ginagawa ni intelligence officer.

By the way, dapat nga raw ‘e inire-recall na sa BI MAIN OFFICE ang intelligence officer na ‘yan dahil malapit na siyang maging ‘retarded’ este mag-retired.

O kaya pagpaghingahin na ‘yang tarantadong TSISMOSO na ‘yan!

Ano sa palagay ninyo, Mr. Jerome Gabionza?!

NATSUBIBO NA BA ANG MGA BRGY. CHAIRMAN NA NABUKULAN SA P77-M RPT?    

MUKHANG mauunsiyami o hindi na makakamtan ng mga nabukulang barangay chairman sa Manila District 1 & 2 ang karampatang share nila sa P77 milyones real property tax na ini-deliver lang sa iisang barangay chairman sa Tond0, Maynila.

Noong pumutok ang nasabing ‘BUKULAN,’  umepal si Konsehal ALI ATIENZA sa mga nabukulan na Punong Barangay na hindi raw niya pababayaang hindi makuha ng mga barangay chairman ang share nila sa P77-M RPT shares at siya pa mismo ang magpa-file ng kaso sa Ombudsman na sangkot sa anomalyang ito.

‘E ngayon, iba naman ang litanya ni Konsehal Atienza, kailangan daw marami ang complainant para masampahan ng kaso ang mga may pakana kung bakit sa isang chairman lang ipinagkaloob ang nasabing RPT share.

Ano ba ‘yan!?

Mukhang ‘NATSUBIBO’ at PINAASA lang ‘yung mga barangay chairman pero sa huli wala rin pala.

Sabi nga ng isang nabukulang barangay chairman, sanay naman daw sila sa lokohan … ‘wag lang daw matagal!

HINAING NG ISANG NPC LIFETIME MEMBER

KA JERRY, isa akong NPC lifetime member at hindi na ako mgpapakilala. Kahapon ho ay bumoto ako sa NPC. Nalungkot ako dahil hindi pala kayo kandidato. Sa tagal kong bumuboto ngayon ko lng nakita na konti ang tao at parang hindi sila masaya. Ako’y disappointed sa mga nangyayari ngayon sa NPC. Sana ho ay bumalik ka sa next election. +63918292 – – – –

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Regine Velasquez Julie Anne San Jose Darren Espanto JK Labajo

Julie Anne nag-sorry kay Regine

MA at PAni Rommel Placente ISA sana si Julie Anne San Jose sa guest sa concert ni Regine …

Ysabelle Palabrica

Kaba ni Tootsie binigyan ng bagong tunog ni Ysabelle

HARD TALKni Pilar Mateo SEGUE naman tayo sa isa pang masasabing aalagaan din nina Ladine …

Misteryo ng newbie singer na si Yza hinubog nina Vehnee at Ladine

HARD TALKni Pilar Mateo BACK-TO-BACK! Ang paglulunsad sa aspiring talents na ginigiya ng henyong kompositor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *