Friday , April 19 2024

Tanda, Sexy at Pogi tuluyan na kayang ma-swak sa P10-B Pork Barrel Scam?

00 Bulabugin JSY

NGAYONG ganap nang state witness si Madame Ruby Tuason at nagsoli pa ng P40 milyones, tuluyan na kayang ma-swak sa hoyo sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at  Bong Revilla?

Sa dami ng ebidensiyang hawak ng Department of Justice (DoJ) sa Ombudsman, ayon kay Secretary Leila De Lima, nakahanda na silang ihain ang demanda.

‘E nasaan na!?

Nagtataka lang tayo kung bakit ang daming sinasabi ni Secretary De Lima pero hanggang ngayon ay malayang-malaya pa rin ang tatlong Senador.

Pero araw-araw ay inuupakan sila sa media.

In fairness sa tatlong Senador, kailangan na talaga nilang gumulong ang katarungan para naman malinis rin nila ang kanilang pangalan.

Kung sangkot naman talaga sila ‘e kailangan na ng KATARUNGAN ng sambayanan.

Bilis-bilisan n’yo rin ang pag-aasikaso sa kasong ‘yan Ombudsman Conchita Carpio Morales, kasi marami ang naghihinala na ginagamit lang ‘yang P10-billion pork barrel scam para asintahin ang mga kalaban ng administrasyon.

E kung hindi pa maisasampa ‘yan sa Sandiganbayan, kahit mayroon nang state witness, baka maniwala ang mamamayan na pinaiikot n’yo lang ang sambayanan para sa 2016 presidential election.

‘Wag na  ninyo i-apply d’yan ang NOYNOYING!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *