Thursday , April 25 2024

Deniece, dapat panoorin ang The Joyce Tan-Chi Mendoza Story

ni  Ronnie Carrasco III

BIYERNES SANTO nang ipalabas sa GMA ang The Joyce Tan-Chi Mendoza Story, kuwento ng noo’y 15-anyos pa lang na mag-aaral na ang bahay ay nilooban ng ilang suspek na siya ring halinhinang gumahasa sa kanya sa iba’t ibang bahagi ng kanilang tirahan.

We could not help but relate Joyce’rape story sa kaso ni Deniece Cornejo who peddles the same tale of suffering(?) in the hands of her alleged rapist na si Vhong Navarro in two separate instances.

Deniece, by the way, bailed herself at a Taguig City court  nitong Miyerkoles Santo sa kasong grave coercion na isinampa ni Vhong laban sa kanyang grupo, for which she had to pay P12,000. Pero noong araw na ‘yon ay ipinagpipilitan pa rin ni Deniece that Vhong violated her right twice.

Back to Joyce’s story, mangiyak-ngiyak pa rin niyang sinariwa ang pangyayaring ‘yon habang wala ang kanyang mga magulang na nasa isang Bible study. Maging ang kanyang mga kapatid at dalawang bumisitang female friends were tied, bukod tanging siya lang ang ginahasa.

Joyce’s version of her ordeal had a re-enactment interspersed with the  interviews of her parents.

Pero sa kaso ni Deniece, nasaan ang kanyang mga magulang when all this unfortunate incident kuno happened? Nainterbyu nga ang kanyang ama, pero minsan lang ‘yon at recorded phone interview pa. Deniece’s mom wouldn’t go on camera.

All this time ay laging ang lola ng hitad na si Ginang Florencia ang atat na atat humarap sa media.

Had Deniece chosen to reflect nitong Good Friday, at kung ang isang paraan ay nakapanood siya ng mga palabas sa TV, sana’y natisod niya ang kuwento ni Joyce.

Had she watched it, tiyak na kinapulutan niya ‘yon ng aral lalo’t nalalapit na siyang masukol kasama ang kanyang mga kasabwat.

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *