Saturday , April 20 2024

Titser na bading binoga ng taxi driver (Nanghipo ng ari)

ILOILO CITY – Sugatan ang bading na guro makaraan barilin ng taxi driver sa Brgy. Salngan, Oton, Iloilo, dahil sa panghihipo ng ari.

Ang biktimang si Marcos Valencia, 48, residente ng Brgy. Trapiche, Oton at nagtuturo sa Oton National High School, ay tinamaan ng bala sa kamay, leeg at katawan ngunit hindi naman napuruhan.

Habang agad naaresto ang driver na kinilalang si Bryan Legada, 22-anyos.

Depensa ng suspek, dinakma ng biktima ang kanyang ari kaya’t nagulat siya at nagalit kaya niya nabaril si Valencia.

Ayon pa sa suspek, tinext siya ng biktima na sunduin at ihatid sa kanilang lugar ngunit imbes sa kanilang bahay, sa kubo nagpahatid si Valencia at doon nangyari ang pagdakma sa kanyang ari.

Itinanggi ng suspek na may relasyon sila ng biktima ngunit matagal na aniya silang textmates at minsan ay niyaya siyang sila ay magtalik. (BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *