Thursday , April 25 2024

Alaska, Meralco handa sa game 2

PINAGHANDAAN ng Alaska Milk at Meralco ang resbak ng mga kalaban sa magkahwalay  na Game Two ng best-of-three quarterfinals ng PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Makakatunggali ng Aces ang San Mig Coffee sa ganap na 5:45 pm samantalang maghaharap uli ng Bolts ang Rain Or Shine sa 8 pm main game.

Tinalo ng Alaska Milk ang San Mig Coffee, 86-77 at naungunsan ng Meralco ang Rain or Shine, 94-91.

Ayaw na nina coaches Luigi Trillo at Paul Ryan Gregorio na dumaan pa sa sudden-death Game Three kung kaya’t itotodo na ng Aces at Bolts ang kanilang makakaya mamaya.

Sa dakong huli ay nalimita si Mays sa 18 puntos kumpara sa 21 ni Alaska Milk import Rob Dozier.

Makakatuwang naman ni Dozier sina Cyrus Baguio, Calvin Abueva, JVee Casio, Joaquim Thoss at Dondon Hontiveros.

Umaasa si San Mig Coffee coach Tim Cone na matutulungan nina James Yap, Peter June Simon, Joe DeVance at Marc Pingris si Mays.

Hangad ng Meralco na makarating sa four-team semis sa kauna-unahang pagkakataon buhat nang lumahok sa PBA. Nakaabot sila sa yugtong iyon sa isang torneo kung saan lima ang naging semifinalists.

Gumawa ng 30 puntos si Darnell Jackson at nagdagdag ng 27 si Gary David upang tulungan ang Bolts sa Game One.

Nakapagpahinga naman ang Rain or Shine kung kaya’t magiging mas matindi ang kanilang performance mamaya. Magugunitang dumaan sa overtime ang Elasto Painters bago tinalo ang Barangay Ginebra, 105-101 noong Linggo. Nakalaban nila ang Meralco wala pang 24 oras ang nakalilipas.

Si Devon Wayne Chism ay nagtala ng  27 pu ntos sa Game One. Nagdagdag ng 15 si Paul Lee at tig-10 sina Ryan Arana at Chris Tiu.

Umaasa si coach Joseller “Yeng’ Guiao na makakabawi sa masagwang performance sina Gabe Norwood, Beau Belga at Jeff Chan.

(SABRINA PASCUA)

About hataw tabloid

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *