Thursday , April 25 2024

Nora, dapat mabigyan ng isang malaking pelikula (Para maipakitang binibigyang halaga)

ni  Ed de Leon

TALAGANG nakalulungkot isipin. Kung sa panahong ito ay idedeklara na ngang national artist si Nora Aunor, tapos ganyan namang puro mga pelikulang indie, meaning barya-barya lang ang kanyang kinikita sa  mga ginagawang pelikula, parang nakahihiya naman.

Dapat naman, ang isang national artist ay binibigyan ng pagpapahalaga. Panay ang sabi nila na dapat ideklara na si Nora, dahil mukhang matagal nang inuupuan ang kanyang nomination sa Malacanang. Maraming dahilan eh. Una dahil daw doon sa sinasabi ng nga kritiko na nagkaroon siya ng kaso sa droga sa US. Ikalawa, sinasabi ring kilala kasi siyang campaigner ni Gloria Macapagal Arroyo na alam naman nating kalaban ng kasalukuyang administrasyon.

Pero hindi lang iyon eh. Gusto nilang maging national artist si Nora, hindi naman nila tinutulungan para makagawa ng isang proyekto na makatatanggap ng popular support, para ipakitang ang bayan ay talagang kinikilala ang kanyang pagiging artista. Hindi puwede iyang puro indie. Kailangan makagawa siya ng isang malaking pelikula.

About Ed de Leon

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *