Thursday , April 25 2024

Allen Dizon at Jackie Rice, sumabak sa matitinding love scenes sa Sitio Camcam

ni  Nonie V. Nicasio

MULINg napasabak sa maiinit na eksena si Allen Dizon sa pelikulang Sitio Camcam na mula sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan. Matatandaang nagsimula si Allen sa mga pelikulang seksi ang tema, hanggang mag-graduate siya sa mga makabuluhang indie films.

Lately nga ay nagkakaroon na ng reward si Allen sa mga projects niyang ginagawa sa pamamagitan ng acting awards.

Sa last movie niyang Lauriana with Bangs Garcia ay muling nagpa-sexy si Allen. Pero mas matindi ang ipakikita niya rito sa Sitio Camcam bilang isang kingpin na may tatlong asawa.

Ayon sa pagtatanong namin sa line producer nitong si Dennis Evangelista, sobrang daring and sexy raw ng mga eskena rito nina Allen and Jackie.

“Daring and sexy rito sina Allen and Jackie. Pero magkaiba naman ito sa ginawa ni Allen sa Lauriana.

“Magkaiba, pero done in good taste. Kasi, tatlo ang asawa rito ni Allen at kailangang ipakita talaga na kaakit-akit siyang lalaki.

“Sa Laurina kasi, kailangang ipakita na nabaliw sa kanya si Luariana at matikas na lalaki si Allen. Both roles requires sexiness, pero ibang Allen ang makikita nila rito,” kuwento sa amin ni Dennis.

Sinabi rin ni Allen na mas gusto niya at mas nacha-challenge siya sa mga ganitong klase ng role.

Ayon pa kay Allen, marami silang love scenes at kissing scene rito ni Jackie. Inamin din niyang matindi ang mga eksena nilang ito. “Mas wild ang love scene namin ni Jackie kompara kay Jean.”

Nagpapasalamat din ang morenong actor dahil sa mga pagkakataong dumarating sa kanya na makagawa ng mga proyektong kakaiba na nagpapakita ng kanyang kakayahan bilang artista.

Malaking blessings daw para sa kanya ang pagdating ng mga magagandang projects, kaya ibinibigay niya ang lahat ng makakaya upang magampanan naman nang maayos ang bawat role na natotoka sa kanya.

Hinggil naman sa nakopo niyang award kamakailan bilang Best Actor sa Gawad Pasado bilang Best Actor, ipinahayag ng aktor ang kanyang labis na kagalakan ukol dito. Ka-tie niya bilang Best Actor sina Joel Torre (On The Job) at Jericho Rosales (Alagwa).

“Sa ganitong pagpaparangal, lalo akong ginaganahang magtrabaho.

“Tuwang-tuwa ako sa karangalang ito, Actually, ma-nominate ka lang, masayang-masaya na e. Siyempre, malaking karangalan iyon para sa aming mga artista lalo’t ang dirtektor namin dito ay si Direk Mel Chionglo,” saad ni Allen.

Sinabi rin ni Allen na umaasa siyang laging makakagawa ng mga pelikulang makabuluhan at makatotohanan. Pati na sa hanay ng mga producer, wish niya na patuloy na dumami ang mga producer na magbibigay oportunidad sa mga artista at mga taong nagtatrabaho sa likod ng camera.

Bukod kina Allen at Jackie, ang Sitio Camcam ay tinatampukan nina Jean Garcia, Sunshine Dizon, Emilio Garcia, Elizabeth Oropesa, at marami pang iba.

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *