Thursday , April 25 2024

Cop ng Tanza, Cavite sinibak

 040814 suspek reporter killer
INILABAS na ng Cavite police ang cartographic sketch ng gunman sa brutal na pamamaslang sa reporter ng Remate sa Bacoor City, Cavite na si Rubie Garcia.

KINOMPIRMA ng pamunuan ng pambansang pulisya ang pagkasibak sa pwesto ng chief of police ng Tanza, Cavite dahil sa pagkakasangkot sa pagpaslang sa radio-print reporter sa Bacoor, Cavite nitong Linggo.

Ayon kay PNP PIO C/Supt. Reuben Theodore Sindac, dahil sa pagkakasangkot ng pangalan ni Supt. Villanueva sa pagpatay sa news reporter na si Rubylita Garcia, epektibo kahapon ang pagkasibak niya sa pwesto.

Itinalaga si Supt. Joseph Salom Javier bilang officer-in-charge ng Tanza Police Station.

Sinabi ni Sindac, ang pag-relieved kay Villanueva ay upang bigyang-daan ang imbestigasyon sa kaso, para maiwasan ang ano mang pag-impluwensya ng opisyal sa imbestigasyon.

Si Cavite Police Provincial director, S/Supt. Joselito Esquivel ang mamumuno sa binuong special investigation task group na  tututok sa pagresolba sa kaso ng pinaslang na reporter.

(KARLA OROZCO)

MANHUNT VS SUSPEK  SA MEDIA KILLING  IPUPURSIGE — PALASYO

TINIYAK ng Palasyo na ipupursige ang pagtugis sa mga pumaslang kay lady journalist Rubylita Garcia upang mabigyan ng hustisya ang kanyang kamatayan.

Ipinaabot din ng Malacañang ang pakikiramay sa mga naulila ng mamamahayag.

“We extend our condolences to the family of the late Rubylita Garcia and we promise that we will pursue this heinous death of… And we will, as we have said, tracker teams are already in place to look for the suspect,” ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda kahapon.

Base sa update na ipinadala ng Camp Crame sa Palasyo, nabatid na may nabuo nang artist’s sketch ng salarin, batay sa pahayag ng isang testigong hindi muna tinukoy ang pangalan.

“A dedicated tracker team was organized and conducting follow up operations against the suspect,” sabi sa PNP report.

Si Garcia, 52, lider ng ALAM sa Cavite, NPC regular member, at Remate Cavite correspondent, ay pinasok at pinagbabaril kamakalawa dakong  9 a.m. ng tatlong armadong suspek sa mismong bahay niya sa Bgy. Talaba 2, Bacoor.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *