Wednesday , April 24 2024

My Husband’s Lover (BIR office version)

00 Bulabugin JSY

ANG kwentong ito ay tila teleseryeng patok na patok sa apat na sulok ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Isang kwento na hindi maililihim at sabi nga ‘e talk of the town, kumbaga pwedeng ipangsalo sa breakfast, merienda, lunch, merienda ulit, early dinner ng mga empleyado at maging sa business meeting ng ibang opisyal, lalo na kapag hindi sila nakikita ng mga taong nasasangkot.

Totoo nga ang kasabihan na: “Walang bantot na hindi aalingasaw.”

Ito ay kwento ng isang BIR lady official at kanyang hubby na sa kanyang pakiramdam ‘e masyadong natatapakan ang kanyang ego.

Si hubby kasi ay mayroong ka-tweetums na lingid sa kaalaman ni BIR lady official.

Heto ngayon ang siste, nakaramdam si lady official na may illicit affair ang kanyang papa sa isang BIR lady examiner. Pero dahil deskripsiyon lamang ng bebot ang nakararating sa kaalaman ni BIR lady official, ipina-LIFESTYLE CHECK at ipina-counter check niya ang mga emplayadang 30 hanggang 35 anyos sa isang BIR revenue district office.

Nagulat at nagtataka ang mga empleyado ng revenue district office kung bakit bukod tanging ang kanilang opisina ang tinarget ni BIR lady official.

S’yempre ‘STRAY’ man ang ‘BULLET’ ni BIR lady official, tiyak na mahahagip ang TWEETUMS ng ma-L na hubby.

Pero matulis ‘este’ matalas ang pakiramdam ng kanyang loving hubby kaya mabilis pa sa alas-kuatro na pinag-resign at pinapunta sa ‘tate ang kanyang lovey-dovey.

Nagbitiw pa ng  OPM (Oh Promise me si Papa ex-hubby do’n sa tweetums niya) … “Kapag iba na ang administrasyon, ibabalik kita sa BIR.”

How sweet naman ‘di ba?!

Pero ito ngayon, mukhang sising-alipin si BIR lady official dahil sa ginawa niyang pagpapa-lifestyle check   hindi niya talaga nakilala kung sino ‘yung KEPT WOMAN ni hubby.

Hanggang ngayon daw kasi ‘e hindi  matanggap ni BIR official na talagang sawang-sawa na sa mukha niya ang kanyang hubby.

‘E talaga naman, walang kadating-dating iyang si BIR lady official kaya kahit ano pang gawin niya ‘e wala na raw AMOR si hubby sa kanya.

Is that what you call GOOD RIDDANCE?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *