Thursday , April 25 2024

Naunsiyaming pagbibida ni Sweet, ‘di na big deal

HINDI na kailangang maging emosyonal ni John ‘Universal Sweet’ Lapuz sa tanong sa kanya sa presscon ng Da Possessed ni Vhong Navarro under Star Cinema nang muli na naman siyang matanong tungkol sa naunsyami niyang pagbibida o launching movie.

Ang sinasabi nga, may nauna na namang mabigyan ng launching vehicle sa kanya. After Joey Paras, na may mga nagsasabing hindi kumita ang project, si Shalala naman now.

“Okay lang. Hindi na naman ako umaasa sa solo launching movie. Nakapag-bida na naman ako pero in an ensemble cast sa ‘Here Comes the Bride’. At saka sa ‘Moron 5’. Malaking mga artista naman ang mga sinusuportahan ko. Mas okay na ito na may trabaho ako kaysa wala. Hindi na ako atat. Yes, may kontrata pa ako sa Viva. Kahit support, mas matagal pa rin ang labas ko. At hindi mare-repossessed ang bahay ko. Kung nagbida ako, ano susunod doon? ‘Pag nagbida ka, sa next bida ka uli. Eh, kung nagbida ka na tapos suporta ka sa susunod kukuwestiyonin ka pa. Kaya,hindi baleng walang solo. Ayoko naman niyong mayroon nga tapos, hindi naman kumita.

“At ayoko ring sabihing nasulot sa akin ang project. Hindi lang nag-swak sa sked. Twenty years na ako in the busines. May nangyari lang or something. ‘Yung iba nga na nagbida rin, ilang taon din ang hinintay. like si Ai Ai (delas Alas). Seven years. Si Sir Chief (Richard Yap), ‘di ko nga akalain, ang tanda na pala.”

Randy, magbabalik-Casino via Hataw sa Tag-Araw

AH, hindi naman sasabihing matanda na ang isang Randy Santiago, para hindi na ito makasalang sa sangkaterbang concerts na iikutin niya this month.

Dahil siya ang magiging main feature ng Casino Filipino sa kanilang nationwide concert tour na magsisimula ngayong Sabado, April 5, 2014 sa Casino Filipino (CF) Pavilion. Kaya sa mga supporter niya, ang entrance sa kanyang concert series is on a first come, first served basis.

Ayon kay Bong Quintana, PAGCOR’s Assistant VP for Entertainment, ang theme ng Casino Filipino sa buwan ng Abril ay   Hataw sa Tag-araw.

“Casino Filipino patrons can expect nothing but the best shows from our celebrity guests and performers like Mr. Randy Santiago this summer. We want to offer them a summer entertainment experience like no other.”

Bukod sa nationwide concert tour ni Randy, matutunghayan din sa Casino Filipino sa kanilang mga palabas sina Jimmy Bondoc, Rico Blanco, Jaya, and the Moonstar88 band sa sari-saring  Casino Filipino venues this April.

Say ng excited na Randy, “I don’t know how many years exactly I have been performing in Casino Filipino. I started my singing career in 1986 and after a few years, they invited me to perform for their branches. Naging suki na!”

Para kay Randy, ang bawat show niya sa Casino Filipino ay laging memorable. “I am always glad to be given the chance to entertain our kababayans in different places and around the country. Going on a nationwide tour in Casino Filipino is a treat for me. Marami akong napapasayang tao and that is fulfilling for me.”

Apart from his April 5 show at CF Pavilion, Santiago will also perform in CF Mimosa at Clarkfield, Pampanga on April 9, CF Davao in Grand Regal Hotel Davao, Lanang on April 11, CF Bacolod in  L’ Fischer Hotel, Lacson Street on April 12, CF Cebu in Waterfront Hotel Lahug on April 13, CF Olongapo in Magsaysay Ave. on April 15, CF Hyatt in Pedro Gil, Malate, Manila on April 24, Casino Filipino Paranaque in Ninoy Aquino Avenue, Sucat on April 25, and CF Tagaytay in Aguinaldo Highway on April 26.

Maki-throwback and flashback with his undying hit songs and charisma, and be treated to have a great time during the tour.

“Hindi lahat ng artists nabibigyan ng chance na mag-entertain kaya dapat laging ‘yung best performance ang ibibigay mo. We have many promising performers out there like the ones featured in Casino Filipino shows. They should work hard and be thankful for that opportunity,” he noted.

For more details on Randy Santiago’s Casino Filipino concert tour, please call the PAGCOR Entertainment Department at (02) 852-7760 / 854-4688 or visit Casino Filipino Facebook page www.facebook.com/pagcor.artists and www.facebook.com/casinofilipino or follow us on Twitter www.twitter.com/casinofilipino .

ni  Pilar Mateo

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *