NAGBIGTI sa loob ng selda ng barangay hall kahapon ang 36-anyos suspek sa pangmomolestiya ng 13-anyos dalagita sa Caloocan City.
Kinilala ang biktimang si Richard Navarette, walang trabaho, residente ng Phase 9, Gawad Kalinga, Brgy. 176, Bagong Silang.
Sa ulat ni PO3 Alcee Clemente Jumaquio, dakong 5 a.m. kahapon nang matagpuang wala nang buhay si Navarette habang nakabitin sa detention cell ng Brgy. 176 Task Force sa Phase 1, Bagong Silang.
Nakakulong si Navarette sa detention cell ng barangay hall dahil sa kinakaharap na kasong paglabag R.A. 7610 (Anti-Child Abuse) makaraan molestiyahin ang 13-anyos dalagita ng live-in partner niyang si Maria Verna Vergara.
Sinasabing dahil sa labis na kahihiyan sa kakaharaping kaso kaya nagawa ng biktima na magpatiwakal.
(ROMMEL SALES)