Maraming ulit na nasaksihan ko mismo, bandang 9:00 ng gabi, may saklang-patay sa gilid ng national highway — Real St. (Zapote National Road) sa Zapote 2 Bacoor City.
Katabi lang ng saklang-patay ang bahay ni Kapitana Lory (ie) Bautista, at ‘di kalayuan, ang Brgy. Hall ng Zapote 3.
Walang sumisita o pumipigil sa idinaraos na ilegal na sugal at panay ang reklamo ng mga motorista dahil traffic obstruction na ang nangyayari: wala ang task force ng city hall na kung manita ng mga vendor ay mararahas pero sa saklang-patay, mandin ay maamong tupa na dadalhin sa katayan.
Marami rin insidente na iniuulat sa akin: madalas ay may mga tanod ng Zapote 2 ang nagpapaputok ng baril, minsan sa kainitan ng inuman at sa loob pa mismo ng barangay hall.
Kubkob ng takot ang mga residente sa lugar: ‘pag may mga pulis na nagresponde sa insidente (pagdakip sa mga nahuhuli sa ilegal na sugal, illegal discharge of unlicensed guns, shabu session, atbp), kapag inarbor ng mga opisyal ng barangay, at inire-release sa custody ng Kapitana — ayon sa mga reklamo sa amin.
Wala po tayong akusasyon sa kanino man sa mga opisyal ng barangay: ito po ay ulat na natatanggap ko bilang mediaman, at consultant ng ilang pahayagan dito sa Cavite.
Personal po ang aking request na sana ay inyong maimbestigahan ang mga reklamong ito.
Pakiusap din po, Sir Koronel … paki ang inyong Bacoor police chief na imbestigahan ang talamak na pagkakalat ng ilegal na droga, at ilang bisyo sa lugar.
Naisulat ko na po ito sa aking regular na kolum sa Pulso ng Makabagong Caviteño at sa Cavite Times Journal — at sa iba pang media outlet ng mga kaibigan natin sa Metro Manila.
Paki rin po: bantog ang isang “Telay” na untouchable kuno sa lugar, at kilala sa bisyong droga, saklang patay at iba pa.
Umaasa po sa inyong maagap na pagkilos.
Gumagalang po.
Kuya Eli Taparan
National Press Club member
Cavite Press Club founder
Adviser, Cavite Province
Publishers League, Inc.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com