Friday , April 19 2024

Politikong idine-date ni Kris, ibinuking ni James

ni  Maricris Valdez Nicasio

IBINULGAR ni James Yap na nakikipag-date ang dati niyang asawang si Kris Aquinosa isang politiko. Inihayag ito ng basketball cager sa press conference ng PEP List 2013 ng  Philippine Entertainment Portal (PEP) na napili si James bilang Pepster Choice Male Newsmaker of the Year.

Ayon kay James, nakuha niya ang impormasyong iyon mula sa kanilang anak na siBimby.

“Last Friday nagkita kami ng anak ko, siya na nagsabi sa akin mismo kung sino. Politician. Tapos sabi sa akin ni Bimby, ‘Joke lang.’ After namin mag-swimming, sinabi sa akin ni Bimby na ito nga si ganito. Pero hindi ko pwede sabihin kung sino.”

Hindi naman kinompirma ni James kung si Mayor Herbert Bautista ng Quezon City nga ang idine-date ng TV host-actress. Iginiit lang ni James na natutuwa siya na masaya si Kris sa buhay niya ngayon at dahil ito raw ang importante sa kanya, ang maging masaya silang lahat.

And in speaking of Pep List 2013, bukod kay James, itinanghal ding 2013 Newsmakers of the Year si Kim Chiu. Sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo o #TomDen naman ang napilingCelebrity Pair of the Year; TV Male and Female Star of the Year sina Vic Sotto at Kim Chiu; samantalang si Joey de Leon at ang Superstar na si Nora Aunor ang nakakuha ng titulo bilangShowbiz Treasures of the Year.

Sina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose naman ang nakakuha ng Teen Stars of the Year Award, sina Aling Maliit Ryzza Mae Dizon at Renz Valero ang Female and Male Chid Stars of the Year; FAB Award winner sina Xian Lim at Lovi Poe; Breakout Star of the Year si Tom Rodriguez; at OPM Artist of the Year si Daniel Padilla.

Gagawaran ng pagkilala ang mga nagwagi sa The PEP List 2013 sa Mayo 20, 2014, 7:00 p.m. sa Solaire Grand Ballroom, Solaire Resort and Casino.

“Our year-long goal is to come up with a List, which we hope will become the realiable showbiz meter,” ani Editor-in-Chief Jo-Ann Maglipon.

Ang mga nagwagi ay mula sa 18 milyong boto na binilang ng independent auditing partner firm ngPEP, ang Punongbayan at Araullo Associates.

Naisakatuparan ang awarding na ito sa pakikipagtulungan ng The Mango tree, The Write Impression, Crystal Catx, JLC Miller, Penshoppe, Gardenia, Islandrose, Devant, at Taters.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *