Saturday , April 20 2024

‘Iregularidad’ sa pa-raffle ng Solaire Casino pinaiimbestigahan (Attention: DTI & BIR)

00 Bulabugin JSY

MUKHANG mayroong pangangailangan na panghimasukan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga promo-raffle ng Solaire Casino.

Mayroon kasing isinagawang HK$1.5M (PHP10M) Baccarat tournament ang Solaire Casino noong unang linggo ng Marso para sa mga VIP Player.

Heto ngayon ang siste, sa Bacarrat tourney elimination round pa lang, marami na ang umaangal.

Napansin kasi nila na hindi basta VIP players ang naglalaro, mayroon ilang kasali na Casino financiers, kapatid ng isang Solaire official at junket operators.

‘E dapat pala tournament ng mga financiers at Kamaganak Inc., na lang ‘yan!?

Ang ipinagtataka pa ng mga player, pagdating sa final table, mayroon biglang mga dumarating at nakasali na hindi dumaan sa elimination round.

SONABAGAN!!!

Hindi ba malaking pandaraya ito sa VIP players!?

Heto pa ang isang siste, d’yan sa Solaire Casino, kapag may promo raffle sila, at ang premyo halimbawa  ay kotse ‘e hindi lubos na masisiyahan ‘yung nanalo.

Bakit kan’yo!?

‘E kasi, babayaran pa no’ng nanalo ‘yung 20/30 porsiyentong tax, base sa halaga ng kotse. Wala naman ibinibigay na resibo sa nanalo na katunayan na ibinayad nila sa BIR ang tax na ibinabawas nila. Aabutin pa ng halos isang buwan bago ma-claim ang napanalunan na kotse?!

Kung sakali namang iko-convert ng nanalo sa cash ang kotse, babawasan naman nila ng 30 porsiyento ang kabuuang halaga at kung gusto naman na  buong halaga ang makuha ay PLASTIC FREE PLAY CHIPS naman ang ibibigay nila.

‘E bakit nagpa-raffle pa kayo kung gusto pa n’yong pagkakitaan ‘yan!?

Sonabagan!!! Style Kastilang swapang!!!

‘E anong klase panalo ‘yan?!

Playing chips para ilaro at ipatalo ulit sa Casino nila?!

Trade and Industry Secretary Gregory Domingo, Sir, bakit nakalulusot sa inyo ang mga ganyang klaseng promo?

Aba, bakit WALA man lang tayong nakikitang representative ng DTI kapag nagra-raffle ang Solaire Casino.

May sanction o aprubado ba ng DTI ang ganyan raffle promo nila!?

Ang nalalaman na lang agad ng publiko ‘e may NANALO na.

Commissioner KIM HENARES, totoo naman bang napupunta sa BIR ang ibinabawas na 20-30 porsiyento tax sa mga nanalo?!

O sa bulsa lang nila napupunta ang tax na kinakaltas ng Solaire?

Paki-EXPLAIN!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *