Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 5 anak na babae niluray ng tanod (Panganay nabuntis)

5 anak na babae niluray ng tanod (Panganay nabuntis)

PANGASINAN – Ina-resto ang barangay ta-nod mula sa Bugallon, Pangasinan bunsod ng panggagahasa at pagmolestiya sa kanyang limang anak na babae.

Naaresto ang suspek na hindi binanggit ang pangalan upang maprotektahan ang kanyang mga anak, makaraan dumulog sa himpilan ng pu-lisya ang isa sa mga biktima na si Nina, 16-anyos.

Si Nina, 4 buwan buntis, ay sinamahan ng kanyang guro sa himpilan ng pulisya at doon isinalaysay ang pang-aabuso ng ama sa kanilang mag-kakapatid.

READ MORE:  Morente nangako: Ban sa OT ng BI employees tutugunan

Inihayag niya sa pu-lisya na sinimulan siyang halayin ng ama noong siya ay 11-anyos pa lamang.

“Natakot ako. Sabi niya minsan lang niya gagawin pero ilang beses na nangyari,” ayon kay Nina. “Sana makulong siya… sinira niya ang pagkababae ko.”

READ MORE:  Kelot nagbigti sa center island (Sumuko sa kahirapan)

Ibinunyag din ni Nina na ginahasa rin ng kanilang ama ang isa pa ni-yang kapatid na babae, habang minolestiya rin ang iba pa niyang mga kapatid na may gulang na 11 at 14. Habang ang 9-anyos pang kapatid na babae, ayon sa medico legal officer, ay may “laceration” sa kanyang ari.

Todo-tanggi ang ama sa akusasyon sa kanya.

READ MORE:  2 heneral lumusot sa CA (Sangkot sa Burgos at Morong 43 cases)

“Hindi ‘yun totoo … hindi ko alam kung ba-kit ito ginagawa sa akin,” aniya.

Na-shock ang ina ng mga biktima na nagtatrabaho sa Maynila bilang kasambahay, nang mabatid ang insidente.

“Makulong na lang din, para hindi na niya ulitin ang ginawa niya … kadugo pa niya ang pinaggawan niya nito,” pahayag ng ina.

(BETH JULIAN)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved