Tuesday , April 23 2024

Saan kumukuha ng kapal ng mukha si PO2 Rene “iPHONE” Lagrimas ng MASA!?

00 Bulabugin JSY

May ilang linggo na ang nakararan nang ilabas natin ang isang nakagigigil na reklamo ng isang grupo ng sibilyan na kinursunada, binugbog at pinagbantaan ng grupo ng mga ‘abusadong’ pulis na miyembro ng MASAMA ‘este’ MASA  (Manila Action Special Assignment).

Ito ay walang iba kundi si PO2 RENE LAGRIMAS, na siyang itinuro ng pobreng biktima na nambugbog sa kanya sa Cowboy Grill sa Ermita, Manila.

Matapos maghasik ng lagim si PO2 Lagrimas sa nasabing bar ay bigla raw kumaripas ng takbo nang matunugan na may paparating na responde mula sa MPD PS-5.

Anyway, nagkaharap na ang biktima at si PO2 Lagrimas sa MPD-GAS (General Assignment Section) at nangako pa raw sa harap ng imbestigador na aaregluhin na lang ang kanyang biktima.

Isa sa ipinangako n’ya ay ibabalik o papalitan na lang ang naeskoba nilang iPhone sa biktima.

Ang pangako ni PO2 Lagrimas ibabalik ang iPhone sa loob ng dalawang linggo sa biktima pero pangakong napako!

Mukhang wala na ‘atang balak si kamoteng PO2 Lagrimas na isoli ang iPhone ng biktima.

MASA chief, Major  Bernabe Irinco, kahit katropa n’yo sa Waray-Waray group si PO2 Lagrimas ay hindi mo dapat kinokonsinti ang masamang gawain n’ya! Imbes disiplinahin ay mukhang pinoprotektahan mo pa ang kawalanghiyaan n’yang bata mo!?

Malaki ba ang napakikinabang mo kay Lagrimas Major Irinco?

By the way, PO2 Lagrimas, balita ko marami ka raw kinakausap na katoto ko para kausapin at pumadrino sa ‘yo para hindi ko na maupakan ang mga katarantadohan mo.

Sorry na lang PO2 Lagrimas, tablado ka!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *