Tuesday , April 16 2024

Hindi pa nagtatrabaho ‘manukan’ nang ‘manukan’ na para sa 2016 elections

00 Bulabugin JSY

THE traditional politics, the Filipino way …

‘Yan ang nakikita natin sa maagang DEKLARASYON ng kampo ni Vice President Jejomar Binay para sa 2016 Presidential election. Ang malakas daw na tandem ni VP Binay ay si Batangas Gov. Vilma Santos.

Ganoon din si Sen. Alan Peter Cayetano na naghahanap pa ng ka-tandem.

Habang umuugong naman ang Mar Roxas – Kris Aquino tandem.

Anak ng tungaw!!!

Hindi pa nagmamarka ang administrasyon ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ‘e 2016 na ang pinaghahandaan ng mga TRAPONG nakaupo sa PWESTO.

Ni wala pa ngang isang taon matapos ang 2013 elections ‘di ba!?

Mahiya naman kayo!

Hayaan ninyong matapos muna ang serbisyo ninyo bago kayo mag-ambisyon ng mas mataas na pwesto!

E dito lang talaga sa Philippines my Philippines, ‘magara’ ang eleksiyon.

Hindi po natatapos ang eleksiyon sa Pinas … tuloy-tuloy lang. Mula sa filing ng candidacy, sa kampanya, sa election proper, sa bilangan,sa proclamation …

Kung inaakala ninyong tapos na sa proclamation, sorry kayo, meron pang protesta ang mga natalo dahil ‘dinaya’ sila.

At reresolbahin ‘yan ng Comelec, anim na buwan bago mag-eleksiyon ulit.

Habang ‘yung mga nanalo naman hindi pa nagseserbisyo ‘e nag-iisip na kung anong bagong pwesto ang susungkitin sa susunod na eleksiyon.

Hindi pa nga kayo napakikinabangan ng taong bayan ay humihirit na kaagad kayo para sa 2016 election!

Ibang-iba talaga ang Pinoy politics ‘di ba?!

Good luck Philippines!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *