Friday , April 19 2024

3-M division ng COMELEC naghahanda na ba ng pabaon?!

00 Bulabugin JSY
PARA rin palang mga heneral ni GMA ang isang dibisyon d’yan sa Commission on Elections (Comelec)?

Ang balita natin, magreretiro na sa 2015 ‘yang 3-M Division.

Kaya raw nagdadamadaling gumawa ng ‘BAON’ para sa kanilang pagreretiro.

Sila kaya ang nasa likod ng ideyang pagbebenta ng 90,000 precinct count optical scan (PCOS) kahit mayroon pang mga nakabinbing elections protests?

Hindi umano kukulangin sa 62 electoral protests ang hindi pa nareresolba ng Comelec nitong 2013 mid-term elections at nakabinbin pa rin sa Presidential Electoral Tribunal (PET) ang protesta ni Mar Roxas laban kay Jejomar Binay  nitong nakaraang 2010 election.

Wala pa raw basbas ang Palasyo sa desisyon na ito ng Comelec, pero ang nakapagtataka mukhang kasado na si Comolec ‘este’ Comelec Chairman Sixtong ‘este’ Sixto Brillantes.

Talaga naman ‘tong 3-M Division na ‘to, kapag tungkol sa pera ang pag-uusapan, tumatalas ang memorya pero kapag ‘yung resolusyon sa mga nakabinbing protesta biglang nagkakaroon ng Alzheimer…

Tsk tsk tsk …

Hindi na tayo nagtataka kung bakit matulin pa sa alas-kwatro ang pagdedesiyon ng Comelec na ibenta ang 90,000 PCOS.

May komisyon na sa disposal, may komisyon pa sa bilihan!?

Sonabagan!!!

Chairman Sixtong ‘este’ Sixto Brillantes, tunay kayong kunsumisyon ng bayan.

Pwe!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *