Saturday , April 20 2024

Toni, iginiit na ‘di pa engaged kay Direk Paul (Friendship with Vice ‘di masisira ‘pag itinanghal na phenomenal box office star)

ni  Roldan Castro

MARAMI ang bumabati sa Box Office Star of the Season na si Toni Gonzaga dahil matagumpay ang pelikula nila ni Piolo Pascual na  Starting Over Again. Pagbibiro nga niya, ‘pag wala siyang matatanggap na bonus ay talagang magdaramdam siya.  Kung hindi man daw nila ibigay ay hihingin niya dahil sa pinagdaanan niya sa pelikula.

Dahil sa success ng pelikula , hindi na niya alam ulit kung ano ang next movie niya at kung ano ang final na gagawin although may nakalatag na. Sa TV naman ay gagawin niya ang PBB at The Voice bukod sa Home Sweetie Home tuwing Linggo.

Sobrang na-touch din siya kay Vice Ganda na nagpa-block screening. First time raw na may artistang gumawa sa kanya ng ganoon.

Nagbiro nga si Vice na ‘wag na silang lalampas sa P390-M dahil  mabubura nila ang record ng pelikula niya na naging highest grossing film ng  Philippine Cinema.

“’Pag malampasan man ay magiging magkaibigan pa rin kami. Kahit ano man ang mangyari, alam niyo ‘yun, hindi makaaapekto sa pagkakaibigan namin. At malaki na ang napapatunayan ni Vice. Sa kanya na ang tronong phenomenal box office star,” reaksiyon ni Toni.

Kinuha rin ang reaksiyon niya sa napansin ng karamihan na tumo-Toni Gonzaga ang akting ni Kim Chiu sa huling pelikula nito na Bride For Rent.

“Ha!? Napanood  niyo ba? Wee? Hala! Siyempre, nakaka-flatter ‘yung  sinasabing, ‘oy parang ikaw!’ Ibig sabihin, may brand sa comedy. Hindi ko alam. Natutuwa ako sa ganoon pero ayaw kong i-claim kasi hindi naman talaga ‘yun ang claim nila sa pelikula.”

Of course, hindi maiiwasang itanong kay Toni kung kailan sila magpapakasal ni Direk Paul Soriano lalo’t gusto nang magkaapo ni Mommy Pinty (ina ni Toni). Malaki na raw kasi ‘yung batang hinihiram nila at may bagong bata na naman silang hinihiram sa kamag-anak nila. Naniniwala siya na in God’s time.

“Para siyang si Yayo (Aguila) sa pelikula, nangingialam, ‘no?” natatawang sabi ni Toni.

Pero nilinaw niya na hindi totoong engaged na sila ni Direk Paul. Nakaka-turn-off daw kung engaged na tapos itinatago pa. Hindi naman daw siya ganoong tipong tao. Pero ready na raw siyang tumanggap ng engagement dahil magsi- seven years na rin sila ni Direk Paul. Kahit sinong babae raw ay hindi tatanggi ‘pag ganoon lalo na ‘pag nasa hustong gulang na.

Hindi raw niya gagawin ‘yung karakter niya sa pelikula bilang si Ginny na tumalikod noong mag-propose ‘yung lalaki dahil ang sakit niyon. Ayaw daw niyang makarma. Ang dami raw niyang natutuhan sa   Starting Over Again at nag-matured siya.

Tinanong din si Toni sa naudlot na pagsasama nila ni Vic Sotto sa pelikula para sa isang filmfest entry. Hindi kasi siya pinayagan ng Star Cinema para sa filmfest na gagawin. Ewan daw niya kung papayagan siya ngayon?

“Sabi ko nga ..Ta Malou (Santos), magtrabaho ako kay Bossing para makapag-guest ako sa ‘Eat Bulaga’. Ha!ha!ha! Sabi talaga ni Tita Malou, sira-ulo ka,” kuwento niya sabay nagkatawanan.

“Hindi pa ako nakakabalik kaya roon. Ilang taon na? Ten years na, hindi ko na alam hitsura ng studio. Gusto ko talaga siya makatrabaho  pero depende kung  papayagan ako ng Star Cinema. Kung gusto rin ni Bossing,” dugtong pa niya.

Tungkol naman sa leading man niyang si John Lloyd Cruz sa Home Sweetie Home, hindi pa niya ito nadadalaw.

“Ayaw ko, nakita ko kasi picture, eh! Grabe ‘yung picture,” bulalas niya.

Nagpapahinga pa si Lloydie sa sitcom nila at nag-taping na raw si Piolo Pascual noong Thursday pero isang episode lang ‘yun na guest. Siguro raw iba-iba ang maggi-guest habang hindi pa magaling. Pero pipilitin daw next week at kakayanin ni Lloydie kung makakapag-taping na.

Sinabi rin ni Toni na hanggang ngayon ay naiilang pa rin siya sa lambingan nila ni John Lloyd sa sitcom.

Bakit kay Piolo hindi?

“Asiwa pa rin ako. Kahit anong maselang eksena, napaka-asiwa naman talaga sa babae,” deklara pa niya.

Oo nga naman!

About hataw tabloid

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *