ni Roldan Castro
HINDI maiiwasang ikompara si Angel Locsin kay Jennylyn Mercado dahil magkatapat ang serye nila.
May mga nagsasabi na mas kakaiba ang peformance na ipinakikita ni Jennylyn kompara kay Angel na napako na raw sa acting niya. Split personality kasi si Jen sa serye niya kaya mas challenging ang role at naipakikita ang galing niya. Pero hindi rin naman matatawaran ang pagiging magaling na artista ni Angel, ‘no?!
Pagdating naman sa lovelife, panalo si Angel dahil mukhang mas masaya ang balikan nila ni Luis Manzano. Si Jennylyn ay ex naman ni Luis.
Kahit si Gov. Vilma Santos ay boto kay Angel at 9 ang ibinigay na rate sa scale ng 1 to 10. Perfect 10 pa raw ito ‘pag ikinasal na ang dalawa.
“Isa siguro sa na-appreciate ko kay Angel na nakikita naman ng mga tao is matulungin. If there’s anything na pwede niyang i-share, pwede maiabot, maitulong, she’s always there. And that’s a good sign kung paano niya aalagaan, paano niya irespeto, bigyan prioridad ‘yung tatay niya na may diperensiya. Importante iyon,” sambit ni Gov. Vi sa isang panayam sa Tapatan ni Tunying.
Havey!
ni Roldan Castro