Thursday , April 25 2024

Anti-political dynasty bill ‘di prayoridad ni PNoy

HINDI prayoridad ni Pangulong Benigno Aquino III ang maisabatas ang anti-political dynasty bill.

“Marami tayong pinagkakaabalahan sa kasalukuyan both in the domestic and in the international scene. So gusto kong makita ang lahat ng detalye muna at hihingi ako ng paumanhin, hindi ‘yan ang isa sa pinakamataas na priority natin sa kasalukuyan. Pero pag nakita nga ho natin at talagang doable, bakit naman hindi,” sagot ng Pangulo sa hirit ng ilang kongresista na sertipikahan niya bilang urgent ang anti-political dynasty bill.

Sa kanyang liham kay Aquino, sinabi ni Caloocan Rep. Edgar Erice na constitutional duty ng Kongreso ang magpasa ng batas na magtatakda at magbabawal sa pagtatayo ng political dynasties ayon sa Section 26 Article 2 ng 1987 Constitution.

Inaprubahan na sa committee level ng Mababang Kapulungan ang House Bill 3587 o An Act Prohibiting the Establishment of Political Dynasties na may layuning pagbawalan ang mga kaaanak ng mga politiko hanggang sa “second degree of consanguinity or affinity  from holding or running for national or local posts in successive, simultaneous, or overlapping terms.”

Kabilang sa mga may-akda ng panukalang batas, bukod kay Erice ay sina Rep. Oscar Rodriguez ng Pampanga, at Makabayan bloc ng Kongreso na binubuo nina Reps. Neri Colmenares at Carlos Zarate ng Bayan Muna, Luz Ilagan at Emmi de Jesus ng Gabriela, Antonio Tinio ng ACT Teachers, Antonio Hicap ng Anakpawis, at Terry Ridon ng Kabataan.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *