Thursday , April 18 2024

Kylie, isinugod sa ospital

DAHIL sa sunod-sunod na trabaho, hindi inaasahang itinakbo si Kylie Padilla noong Lunes ng umaga sa St. Lukes Medical Center sa The Fort.

Ayon sa kanyang manager na si Ms. Betchay Vidanes, inaasahang magiging maayos na ang lagay ng dalaga at makakabalik na sa taping.

FAP, naghain ng Petition for Mandamus laban sa MMDA

NAKATSIKAHAN namin si Atty. Ariel Inton, lawyer ng PAF (Film Academy of the Philippines) sa isinampa nitong Petition for Mandamus sa Metro Manila Development Authority ( MMDA)  na humahawak ng Metro Manila Film Festival.

Sa petisyon na nakuha namin kay Atty. Inton, nakalagay doon ang Petition for Mandamus (with prayer for the Issuance of a Temporary Restraining order and/or Writ of Preliminary Injunction).

Ang TRO ay para hindi na dumaan sa MMDA ang  amusement tax na ibibigay sa beneficiaries (The Film Academy of the Philippines, Mowelfund, Motion Picture Anti Film Piracy Council (MPAFPC), Optical Media Board (OMB), at Film Development Council of the Philippines (FDCP)) ng MMFF.

“Una, pinapa-account namin ‘yung  kinita ng MMFF ng  film festival para  malaman natin  kung magkano dapat ang makuha ng beneficiaries. Kasi may COA  (Commission On Audit) report kami na P82-M ang hindi naire-remit nang tama simula noong 2002 to 2008. Maraming violation ang MMDA base on the COA report. Now, Atty. Tolentino (Chairman ng MMDA) says hindi pa naman ako chairman niyan. Eh, bakit hindi ka naman idinemanda ng personal capacity, idinemanda ka as Chairman of MMDA. That is very basic sa pagdemanda. Sino idedemanda namin? Fernando,eh, hindi naman siya ang Chairman ngayon, eh!” deklara ni Atty . Inton na sinasabing hindi naman direkta kay Chairman Tolentino ang demanda kundi sa MMDA.

“Ang beneficiaries ng MMFF ay hati-hati sa amusement tax na makukuha. Nakukuha ito sa nakokolekta ng local governments sa Metro Manila during the filmfest week. Ang pinagtatakhan nina Leo, bakit habang tumataas ‘yung gross, lumiliit ‘yung parte nila?Ang sabi ng mga dumidepensa sa MMDA ay , paano kasi  10 percent na ‘yung para sa  amusement tax. Oo nga pero magkano ba ‘yung ticket ng sine noong panahon ng kopong-kopong, eh, baka P5 lang, eh, ngayon P200 na. So, kahit 10 percent ‘yan, bakit pababa nang pababa? Dapat tumataas. Mayroon naman si Leo na computation dito, eh!

Dahil nasa atensiyon na ni Atty. Francis ang kasong ito, dapat niyang bigyan ng pansin ang hinaing ni Leo Martinez. Marami silang sulat  pero hindi raw nila sinasagot ang Film Academy. So, walang choice ang Academy kundi idulog na lang ito sa korte.

Roldan Castro

About hataw tabloid

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *