Friday , April 26 2024

Dozier balik-Alaska

KINOMPIRMA ng board governor ng Alaska na si Joaqui Trillo na babalik si Robert Dozier upang tulungan ang Aces na depensahan ang kanilang korona sa PBA Commissioner’s Cup na magsisimula sa Marso.

Katunayan, binanggit ni Trillo na sa unang linggo ng Pebrero darating si Dozier sa bansa upang magsimulang mag-ensayo sa Aces.

Dinala ni Dozier ang Alaska sa kampeonato ng Commissioner’s Cup noong isang taon nang winalis ng Aces ang Barangay Ginebra San Miguel sa finals sa harap ng 23,361 na kataong nanood sa Smart Araneta Coliseum.

Samantala, napaiyak si Trillo sa tribute na ibinigay ng Alaska at ng PBA sa kanya pagkatapos na magretiro siya bilang team manager ng Aces.

“I’m gonna miss winning games. I’m gonna miss not seeing friends, other players, the commissioner’s office. For 25 years I’ve gotten so close to a lot of people,” wika ni Trillo tungkol sa kanyang pagiging team manager mula 1990 hanggang noong isang taon.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *