Sunday , 21 December 2014
Breaking News
You are here: Home » News » Anak 10 beses ginahasa ama timbog

Anak 10 beses ginahasa ama timbog

LA UNION – Makaraan ang sampung taon pagtatago, arestado ng mga awtoridad ang isang ama kaugnay sa sampung beses na paggahasa sa 16-anyos pa lamang na anak noong 2001 sa Brgy. Sta. Rita West, Aringay, La Union.

Kinilala ni Senior Insp. Luis Liban, hepe ng Aringay Police Station, ang suspek na si Rogelio Casanova-Mangaoang, 45, residente ng naturang lugar.

Ayon kay Liban, sa naturan ding bayan nagtago nang matagal na panahon ang suspek, sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Basca, Aringay, La Union.

Sinabi ni Liban, nasa Singapore ang misis ng suspek nang mangyari ang krimen at ang ginang mismo ang nagsampa ng kaso laban sa mister.

Ang warrant of arrest laban kay Mangaoang ay inilabas ng korte noong Oktubre 5, 2004.

About JSY Hatawtabloid

Scroll To Top

Get Widget