Friday , April 26 2024

Matuwid at mabilis na serbisyo ibabalik ng MPD’s finest – Gen. Genabe (Sa pagsisimula ng 2014…)

MAGLALATAG ng ilang programa at proyekto ang Manila Police District (MPD) tungo sa malaking pagbabago na magbabalik sa tinaguriang Manila’s Finest at magsusulong ng maayos na peace and order sa lungsod.

Direktang iniatas ni MPD District Director Gen. Isagani Genabe, Jr., sa 11 station commanders ang mabilis na pagresponde sa mga tawag, reklamo o sa mga kasong idudulog ng bawat mamamayan.

Nabatid kay MPD DID chief, Supt. Villamor Tuliao, hangad ni Gen. Genabe ang matuwid at mabilis na serbisyo upang maibalik ang sigla ng tinaguriang “Manila’s Finest” upang hindi lamang masugpo ang mga krimen bagkus ay para mapanatili ang nagbalik na tiwala ng Manileño sa pulisya na dating nabahiran ng police scalawags.

Ayon kay Tuliao, utos rin ni Genabe sa lahat ng opisyal na paigtingin ang peace and order sa Maynila  at tutukan ang mga tiwali na posibleng nakapamamayagpag pa rin sa MPD.

Paiigtingin umano ang regular checkpoint ng MPD sa iba’t ibang lugar at wawalisin ang ‘kotong’ checkpoints na kinatatakutan ng mga motorista.

Nagbukas na ng police hotline ang MPD React para sa mga reklamo laban sa mga abusadong pulis.

Seryosong kampanya laban sa mga kriminal ang tahasang utos ni Gen.Genabe sa lahat ng mga tauhan.

Ani  Genabe, “Hindi ko kokonsintihin ang sinomang mga police scalawags na utak at patong sa mga ilegal sa aking nasasakupan, gaya ng dalawang pulis na nagbarilan dahil sa droga.”

Maging ang mga sinasabing LUBOG o pulis na hindi pumapasok ay natuldukan na at nagawan na ng aksyon na ipinatapon outside NCR.

Ang pulis ay non-partisan kaya kahit kilalang tauhan o bodyguards ng politiko ay maaaring sibakin sa oras ng indulto.

Bunsod ng performance grading system na proyekto ni Genabe, wala pang isang taon sa kanyang pwesto ay ilang mga sibakan at reshuffles na ang naganap upang maisakatuparan ang matuwid na daan sa Maynila.

Idinagdag ng isang malapit na opisyal, maraming ipinakalat na counter intelligence personnel ang mga tauhan ni Genabe upang tutukan ang mga red areas o police hotspot na posibleng pagtaguan ng mga kriminal mula sa iba’t ibang sulok ng bansa gaya ng Baseco compound, Parola, Isla Puting Bato at Quiapo na sinusuyod ng mga tauhan ng MPD.

(BRIAN GEM BILASANO)

About hataw tabloid

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *